Lunes, Setyembre 3, 2012

"Bakla...Bakla...Papaano Ka ba Ginawa?"


“Bakla…Bakla…Papaano Ka ba Ginawa?”


            Ang bakla daw hindi nanganganak pero ang bilis dumami. Bakit nga ba? Marami na ang mga scientifical theories hinggil sa pinagmulan ng mga bakla. Subalit hanggang ngayon ay wala pa rin isang malinaw na dahilan. Ang isa sa pinakakinikilalang theory ay ito daw ay dahil sa cultural o environmental influence. Ang bata daw ay pinapanganak na parang isang putting papel na dalisay at mailinis ang kaiisipan. At ang mga sumusulat ng bawat pahina at letra ng kanyang pagkatao ay ang mga magulang, lipunan at iba’t iba pang taong nakakasalamuha ng isang bata. Meron ding theory na ang pagiging bakla daw ay isang genetical imbalance.

            Kung saan man kami galling at kung papaano man kami ginawa ay hindi na mahalaga para sa aming mga “diosa”. Mas mahalaga sa amin ang pagtanggap ng lipunan at pagbibigay sa amin ng karapatan at pagkilala. Hindi kaila sa atin na hindi pa rin ganap ang pagtanggap ng lipunan sa aming mga LGBT. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng aming mga nagagawa para mas higit na umunlad at maganda ang ating lipunan ay naroon pa rin ang hibla ng diskriminasyon sa aming pagkatao.

            Sa aking karananasan, hindi ko ikinakahiya ang aking sexual preference. Kahit pa noong 2007 unang laban ko sa politika ay pinakita kona sa aking mga kababayan ang aking tunay na pagkatao. Alam ko na maaring ikasira ko ang katotohanan, subalit mas nanaiisin kong matalo keysa linlangin ang aking mga kababayan. Naisip ko, papaano ako magiging tapat na tagapaglingkod ng bayan kung hindi ako magiging tapat sa aking sarili?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento