Martes, Setyembre 4, 2012

“Ang Pag – Ibig sa Ikatlong Dimensyon”


“Ang Pag – Ibig sa Ikatlong Dimensyon”


            Ang pag – ibig daw ang siyang nagbibigay kulay sa buhay ng isang tao, subalit sa mata ng mga tulad naming “diosa” ang pag – ibig ay maihahalintulad sa isang alamat. Isang kwento na may kanya – kanyang bersyon at interpretasyon. Isang kwento na minsa’y nagbibigay liwanag at gabay sa aming buhay subalit sa huli ay nagdudulot ng luha at pighati. Isang tunay na “telenobela” na kung saan hindi kami pwede maging leading lady…kundi lagi na lang supporting actress. Sa dimension na aming ginagalawan ang pag – ibig ay isang pangarap na lahat kami ay hinagangad maranasan, subalit sa isang kisap mata’y nagigising kami sa katotohanan na ito’y maninitiling bahagi ng aming imahinasyon.

            Ilang beses ko na ring narinig ang mga katagang “Bakit kase hindi ka magpakalalaki!?”, “Bakit ba nagbabakla kayo?” Para po sa kaalaman ng lahat ang pagiging bakla/tomboy o homosexuality ay hindi napipili…it is not a choice. At kung pwede nga lang naming piliin an gaming sexual preference, sino ba ang hindi magnanais na magkaroon ng pamilya at maging kapiling habang buhay ang isang taong magmamahal at mamahalin mo hanggang wakas? Sino ba ang magnanais na mabuhay sa mundo na punong puno na pasakit at pagkukunwari? Sino ba ang magnanais tumanda at bawian ng buhay mag – isa?

            Marami ang nagsasabi na Masaya daw ang mga bakla…ang hindi nila alam ay kung ano ang aming tunay na pinagdaraanan. Siguro magaling lang kami magtago ng nararamdaman o hindi kaya’y sadyang matibay lang kami sa mga pasakit ng lipunan at tadhana. Sa tuwing nagkakaroong ng girlfriend ang someone special ko, hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, pero kailangan ko siya unawaiin na wala siyang ginagawang mali...tama lang na magkaroon ng girlfriend ang isang lalaki. Masakit man sa akin subalit wala ako magawa kundi ang masanay at maging manhid sa sakit. Sa almost five (5) years naming relasyon, hindi kona mabilang kung nakailang girlfriend na siya, subalit sa hulo ako pa rin ang naririto upang maging kasama niya sa hirap at ginhawa…how pathetic noh?

            Sana maunawaan ng lipunan ang aming kalagayan. Hindi na kailangan na matanggap kami, mas mahalaga na maunawaan na lang aming mga sakit na bumabalot sa aming pagkatao. Alam ko na mahirap matanggap na lipunan ang same sex relationship, pero nais kung ipamulat sa lahat na napakalawak ng kahulugan ng salitang “immorality”.   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento